KASAYSAYAN NG BILOLO

Ang mataong barangay ng Bilolo ay dating sitio ng barangay San Vicente. Noong panahon ng pananakop ng mga kastila, may isang babae na naglalako ng PALIDOSDOS o BILO-BILO na upang makapagbenta ay nalilibot ang bayan ng Orion, na hanggang sa mapadako ang babae sa mataas na lugar (upland) na noong panahong iyon ay madalang pa ang naninirahan.

Na sa paglalako ng BILO-BILO ay nakaramdam ng pagod ang babae kung kaya’t nagpahinga ang babae sa gilid ng daan at sa kanyang pagpapahinga ay may mga lalaking kastila ang napadaan sa kanyang pinagpapahingahan at nang mapatapat ay inalok ang mga kastila ng kanyang paninda na BILO-BILO.

Na sa halip na bumili ng BILO-BILO ay nagtanong sa wikang kastila ang isa sa kalalakihan na ang sinabi ay “ANONG LUGAR ITO, ANONG PANGALAN NG LUGAR NA ITO?” at sa pagtatanong ay sabay turo ng daliri pababa, at dahil sa paniwala ng babae ay tinatanong ang kanyang paninda kaya’t sinabi niya na BILO-BILO PO, paulit-ulit na sinabi ng babae ang BILO-BILO.

Na sinambit ng kastila na “AH BILO-BILO” at sabay umalis ang mga kastila at mula noon ay tinawag na ang lugar na BILO-BILO hanggang sa paglipas ng panahon ang BILO-BILO ay tinawag ng BILOLO.

Mula sa panahon ng kastila, hanggang sa matapos ang Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, ang Barangay Bilolo ay nararating lang sa pamamagitan ng ilang mga Dakdak(Trail)  na nag-uugnay sa pangunahing daan ng Orion(Bataan National Road), at noong taong 1957 ay kinilala ang Bilolo bilang lihitimong barangay ng Orion.

Ang pagsulong ng isang maunlad na pamayanan at batayan ng maayos, pagiging bukas sa mamamayan, pagbibigay ng mabilis na serbisyo, pagkilala at pagtanggap ng responsibilidad at pakikilahok ng mamamayan ay isang katiyakan ng mabuting pamamahala tungo sa tuwid na landas ng panunungkulan.

Sa patuloy nating pagtanaw sa katuparan ng mga kaganapan tungo sa pagkakaisa, matatag na pulitika, masagana at maunlad na kabuhayan, tahimik at mapayapang pamayanan, Ako ay naniniwala na ngayon ang tamang panahon para tayo ay humakbang tungo sa mabilis na pagunlad ng ating barangay.

Ang Sangguniang Barangay ng Bilolo ay nagkaisa na patuloy namin kayong handugan ng gabay sa pamamagitan ng “WEBSITE” upang lalo namin kayong mapaglingkuran, ang impormasyong kakailanganin ninoman ay kagya’t na matutugunan.

Ito ay isang pagpapatunay ng kaganapan sa patuloy na pagbibigay tulong at kakayahan ng mga namumuno sa kanyang mga mamamayan at panghihikayat sa mga mamumuhunan na magnegosyo sa ating barangay.

Umaasa kami ng patuloy na pag-unlad ng Barangay Bilolo.

“TULOY PO KAYO SA AMING BARANGAY”

 

Hon. REYNALDO S. BALUYOT

PUNONG BARANGAY

 

 

Nakahanda Po Kaming Maglingkod!

slidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslidesslides

Inset

Praesent posuere tempus nibh bibendum aliquam. Integer ullamcorper vestibulum nisl vitae ullamcorper. Donec fermentum ligula at tortor tincidunt rutrum. Vestibulum ante ipsum primis in faucibus orci luctus et ultrices posuere cubilia Curae; Quisque blandit tellus vitae justo rutrum viverra. Proin semper sapien faucibus dolor ultrices a tempus leo porta. Integer sed lorem nisl, ac tincidunt diam.ed ante felis, pellentesque in consectetur at, rutrum non turpis. Aenean id pellentesque lacus. Quisque ligula est, aliquam vitae lobortis ornare, posuere sit amet risus.uisque ligulaamet risus.uisque ligula

windows live messenger
limewire indir